Saturday, June 9, 2012

TAPOS NANAMAN MAGHAPON KO

Saturday, June 9, 2012 4
natapos nanaman maghapon ko ng wala akong nagawang mabuti sa sarili ko. haaay buhay nga naman... walang asenso... hindi ko alam kailan ako mag kakaroon ng sigla sa sarili. nagiging pabigat na ako sa kay mama.. nakakahiya na. wala akong ganang mag trabaho... kahit nga kumain na lang wala pa rin gana... 

buti nalang kanina around 7:30PM nag punta sila pastor joy dito sa bahay nangaral ng salita ng diyos kahit gabi na 30 mins lang tinagal pangaral nya, salamat at kahit papano na bless ako sa aral ni pastor... at medyo kahit papano naman na iba din ng konti takbo ng buhay ko...  

at dumating din si oden kanina pag katapos ng turo ni pastor.  naligo kagad ako para ma fresh ang katawan at isip ko. at pagkatapos ko maligo nagpunta kagad kami ni kuya para maglaro ng basketball sa court nila  calvary around 8:00PM.  matagal tagal na din akong hindi nakakapag laro ng basketball... madale na akong mapagod sa paglalaro ngayon... 

naka isat kalahating laro lang ako... pagod na kagad.. pinulikat yong kanang binti ko... masakit at hindi ako nakakatakbo ng maayos sa court. kaya nag papalit na kagad ako..

haaay... tumatanda na talaga...madali ng mapagod... isip na lang gumagana.. hindi na kaya ng katawan...

12:44AM na pala.. medyo antok na din ako...

pahinga na muna... bukas nanaman ulit.. 

ano nanaman kaya mangyayari sakin bukas...?! 

Friday, June 8, 2012

hangang kailan ako ganito

Friday, June 8, 2012 0
Well, today maaga ako nagising.. maaga dumating si mother galing sa trabaho 5:30AM. maaga akong nagising kasi ginising ako dahil hindi nya daw marinig ang kausap nya sa skype. pinahiram ko yong isa ko pang laptop para doon na lang siya makipag-usap...buti naman naayos ko yong skype... nag uusap na sila.

anyway, gusto ko pang matulog kasi antok na antok pa ako. masyado pang maaga para gumising. pero kong iisipin mo talaga, halos araw araw natutulog ako dito sa bahay walang saya at sigla... walang inspirasyon. wala, wala lahat. hindi ko alam kong kailan ako ulit mag kakaroon ng buhay. hindi ko alam kong kailan ako ulit sipagin mag trabaho.

matanda na ako. walang ngyayri sa buhay ko. naglaho na mga pangarap ko. hangang kailan ako ganito.
 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates. Distributed by Deluxe Templates