Day 19 part 2
Sabado, Agosto 22 2009, Simula ng araw ng Holy Month of Ramadan ngayon araw, naisip ko lang mag sulat ng kahit na anong maisip basta may maisulat lang sa blog ko. kaya heto ang simula…
Ang nakaraan…
Noong araw iniisip ko pag nag Saudi ako akala ko makakaraos na ako. iniwan ko pamilya ko, magulang ko, kamag anak ko, mga malapit na kaibigan ko. kasi sa hangad kong mag karoon ng kaunting pag babago, makaraos at tumaas ang antas ng buhay ko. kahit mahirap umalis ako sa bansa na aking sinilangan, at nag Saudi ako.
At ngayon na rito na ako sa Saudi Akala ng mga tao na nasa Pilipinas na kapag nasa Saudi ka marami ka ng pera. Ang totoo nyan, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash dahil pinadala na sa Pinas. Pag hindi ka kasi nagpadala iisipin nila nakalimutan mo na sila, may mura kapa.
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya, at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sa'yo at pag kinulang ka pa umuutang pa sa patubuan, nakasangla pa pati ATM Card at lista muna sa malapit na bakala(store) para lang hindi gutumin.
Pag may okasyon sa Pinas - birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda. Ang sarap ng kainan nila. Di nila alam ikaw ay nagtitiyaga sa pagkain na maalat (mura kasi at nakakatipid pa), budget meal, kabsa, instant noodles o de lata at itlog na nakakabutlig ng balat.
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa, na namumulot ka ng pera sa Saudi. Kaya pag may problema, text kaagad. Pasakalye muna, Kumusta sa una pero sa bandang huli kelangan ng pera. Hay naku! Nakaka-alergic na ang text sa roaming - puro gastos. At minsan padala ka pa ng load! Load ko nga, inuuutang ko pa kay bangali(bangladesh). Hay naku! Bakit ba nauso pa yang load nayan sana libre nalang. dagdag gastos lang talaga at pag hindi ka pa nag-reply, aawayin ka pa! ang mas masakit mangangabit pa ang asawa pag wala kang perang padala!
Dati tuwing nadidinig ko ang daing ng anak ko sa telepono ang sabi, “pa, masakit ang katawan ko…., padalhan mo ako ng laruan… kailan ka uuwi? sana kasama kita ngayon dito”, parang pinupunit ang puso ko sa awa ko sa anak ako at parang sinusugatan ng blade ang puso ko pag naririnig ko ang pag hihirap na nararamdamdaman ng anak ko, pero wala akong magawa kondi manalangin nalang. Ang sabi ko, “diyos ko sana ako na lang ang makaramdam ng sakit na raramdaman niya”.
kaya dugot pawis ang pinuhunan ko para maipagamot ang anak na dumadaing ng hirap at sakit na raramdaman nya sa sakit na cancer. nag papadala ako ng pera para lang kahit papano humaba pa ang buhay at para makasama man lang kahit saglit pag uwi ko. pero huli narin ang lahat, hindi ko na rin inabutan ng buhay, mga laruan at damit nalang ang naiwan, grabe hinagpis at iyak ang inabot ko. hindi ako bumalik sa Saudi ng isang taon. Naubusan ako ng pera, naibenta ko ang bahay at lupa kong pinundar ng ilang taon sa murang halaga, at sama katuwid walang ngyari sa pinag hirapan ko, nag hiwalay pa ng kinakasama sa buhay inaakala kong sasamahan ako sa hirap at ginahawa, walang hiya, puro ginhawa lang pala ang sa kanya. sa madaling salita nawalan na ako ng pag asa sa buhay.
sabi nila masarap daw ang maging OFW kasi tinatawag na bagong bayani. Hay naku bagong bayani daw? mas masarap pa din ang tumatangap sa katas ng bagong bayani na walang kahirap hirap. Heto pa, kong mamalasin pa ang Saudi boy, si kumpare pa ang makikinabang sa mga pinag hirapan mo, may sawsaw pa sa asawa mo. galit pa si pare pag walang padalang pera. lang hiyang buhay to.
Kaya ang utang ng bagong bayani sa Saudi ay lalong dumadami, bihira lang talaga ang umaasensyo! Akala nila masarap sa Saudi. Di nila alam di ka na nga makauwi kasi round-trip ticket kina-cash mo para mapadala lang para may pambayad sa bumabahang utang.
Akala nila pag nag extend ka sa Saudi nag papayaman ka, hindi lang nila alam nag kanda kuba kana kakabayad sa mga utang. Akala nila sosyal na kana dahil de kulay na ang buhok mo, na sa uso kasi naka-highlight pa ang buhok mo, Di lang nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema. At kapag minalas ka pa, nalalagas pa! pero sabi ng kaibigan ko swerte daw pag may puti na ang buhok.
Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo. Di nila alam babad ka sa opisina at kulong ka sa bahay mo dahil no choice ka. Mga kapitbahay mo di mo kaano-ano. Walang paki-alamanan at kung lalabas ka sunog ang balat mo sa Init ng araw sobra!
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Saudi, maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka-abaya at naka-tarha. O kaya naman, magtiyaga kang mag-abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o de-padyak sa Saudi. Maraming mga Pakistani, Bangladesh na taxi driver na ubod ng baho walang ligo ligo. Pag minalas ka pa, Arabo na taxi driver na rapist pa ang masasakyan mo, punit pa puwit mo, ospital pa bagsak mo.
Akala nila masarap ang buhay dito sa Saudi. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, terminated ka gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Pilipino!
at Hindi ka pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka ma-mutawa ka pag kasama mo ang syota mo. Pero marami pa ring matatalinong matsing ang nakakalusot. Nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal, kahit may mga asawa sila sa kani kanilang lugar sige pa rin sila kahit bawal basta makaraos lang ng kalibugan nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Red Sand, Hidden Valley, Faisaliah Mall, Riyadh Zoo, Corniche,Obhur, Panda Market at iba pang mga expat attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makaka pag pa picture sa labas. Bawal kasi basta-basta kumuha ng picture dito. Makukulong ka. Ka may latigo ka pa tuwing biyernes.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na ang sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pag pinalit mo ng peso. Pero riyal din ang gastos mo sa Saudi. Ibig sabihin, ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo rin gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas, SAR3.00 sa Saudi. Alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo. Aba, mamatay ka sa highblood o hepa nyan kasi nga umaapaw na sa mantika, marumi pa! Kadiri! Kaya lang pag naubusan ka ng pera, no choice ka. You have to take the risk kahit mag ka rayuma ka pa.
Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec, pati cleaners. mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero alam ko ganun din sa ibang bansa pagod ka rin sa kakatrabaho. Pero iba sa Saudi, wala kang outlet ng stress mo kasi madaming bawal. Kaya kong hindi mo kaya ang homesick mo wag kana mag punta ng Saudi.
Hindi ibig sabihin riyal na ang sweldo mo, yayaman ka na. kaibigan Kailangan din nating magbanat ng buto para mabuhay sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinag-silangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib.
Hindi ako naninira ng pangarap. Gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan na hindi madaling mabuhay sa Saudi. Lalo na pag binigyan ka ng swedong ganito(800+200+200 SAR) hay naku, Kabayan umatras kana mababaliw ka lang ditto wag mo ng pangarapin pang makarating ng Saudi kong ganyan ang sweldo mo.
Mahirap mangibang bayan kong sa inaakala mo. Sino ba ang may kasalanan na iwan ang sariling bayan?
My mood: 7.2/10