Tuesday, November 3, 2009

sulat

Tuesday, November 3, 2009
day 90 - part 3

mahal kong Maria,

Mahal na mahal po kita. Handang handa akong ma kasal sayo sa susunod na taon. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. ang pag ibig ko sayo ay higit pa sa buhay ko at naka handa akong mag tiis alang alang sa pag ibig na darama ng aking puso. at para maisikatuparan ang mga pangarap kong makasal sa taong lubos kong minahal ng taos sa aking puso.

Sa hirap at sa ginhawa akoy iyong ma kakasama. Masama man o mabuti ako ang iyong kasama. tayo ay Kasal sa pusot, isipan at sa ispiritu. tayo ay pinag buklod na ng diyos dahil sa pag ibig nya sa ating dalawa at wala ng makakapag hiwalay sa atin liban lang din sa kanya. Ang pag ibig ng diyos ang tunay na dakila at dahil dito ako ay nag papasalamat sa kanyang kabutihan. At gayun din naman sayo mahal kong asawa ako ay lubos na nag papasalamat at rumi-respeto sa pag ibig mo na-iniuukol mo sakin. Sa ngalan ng Diyos Ama at ng anak na si Cristo Jesus at ng Espiritu Santo matutupad ang mga pangarap nating makasal na matagal na nating minimithi.

ako ay taos pusong nag papa-salamat, sa mahal kong asawa na dahil dito ang kasiyahang idinudulot mo sa buhay ko ay hindi kayang mapantayan ng sinuman. Ang saya na bumabalot sa puso ko ay ibinabalik ko ng labis-labis na respeto at pasasalamat, at pag mamahal sa iyo.

lubos na gumagalang at nagmamahal,
wolverine

my mood: 1.0/10

2 comments:

beanizer_05

hey man! Pinoy ka??..so ngttrabaho ka lng s Saudi??..from Saudi wd luv ha..marry her now :)

Unknown

yap you are right... pinoy na pinoy..purong pinoy. tubong tondo manila. at napapad sa masalimoot na buhay sa lungsod ng saudi arabia.. maraming salamat kabayan sa iyong pag babasa aking talambuhay. kinagagalak kitang makilala. kabayan.

 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates. Distributed by Deluxe Templates